Monday, June 28, 2010

Music

Bukod sa sports, ok din ang music. Kung pinoy ka masterin mo at least isa dito para panalo. pwede ka mag solo sa bawat isang instrument.

1) gitara - tumugtog ka lang ng acoustic panalo. tugtugin mo ung iaxe ako'y sau ikay sa akin. pwede ka rin mag lead guitar. dami kaya battle of the bands. maging rock star ka kahit mukha kang ewan panalo.

2)  piano - ok din to. pang romantico pang harana na mas sosyal sa gitara. visualize mo to, punta kau sa isang panalong resto na me piano. tapos mag excuse ka sa date mo tapos magugulat sya tugtog ka na lang bigla.
tugtugin mo beauty and madness - fra lipo lipi

3) violin - bakit astig, kasi simple lang at konti lang nakakaalam. ilan ang kakilala mo marunong mag violin talaga? tanungin ka ano hobbies mo, sabihin mo sleeping, surfing the net, basketball and violin. wow lufet.

4) saxophone - pang romantico din. Kilala mo c Kenny G.

  ayos di ba, nasasau na alin dyan, ok astig maging drummer pero subukan mo mang harana ng drums lang. hehe. gusto mo harmonica ok din. baka limusan ka. or mag flute ka parang si pink 5 sa bioman.

Saturday, June 12, 2010

Happy Independence Day Philippines

wow sarap maging malaya sa dayuhan at dahil dyan long weekend wala pasok sa monday. ano ba ok gawin sa long weekend

1) mini vacation - 2 days ang bakasyon mo na out of town. tapos ung monday para makapagpahinga ka para pasok tue. somewhere na malapit. kung taga manila ka try mo sa subic or clark. dumaan ka sa sctex para mabilis.

2) general cleaning  - linisin mo na dapat mo linisin. banyo, sala, kusina, kwarto, garahe, kotse, kulungan ng aso, aquarium, etc.

3) movie marathon or tv series - wag kalimutan ang popcorn or chichirya.

4) PC tune up - panahon na para mag uninstall, defrag, mag organize ng folders, files etc. kung gusto mo rin magformat for a fresh start.

5) food trip - pwede mag ikot sa lugar nyo or padeliver na lang kau sa bahay or magexperiment ng luto. ihanda ang diatabs or imodium.

6) chillax - humilata maghapon, makinig ng music, kumain, at matulog.

7) toma - tumoma ng sat at sun. san mig, red horse, colt45, the bar, vodka, fundador, chivas, johnnie walker, jose cuervo, el hombre tequila, etc. sisig, chicharon bulaklak, crispy pata, mani, kilawin, grilled squid, grilled bangus, andok's manok, etc, tapos monday pahinga.

Friday, June 11, 2010

TV Series


sawa ka na ba manuod ng mga telenovelas, koreanovelas, drama rama sa hapon up to primetime. ayaw mo na manuod ng me cheerleader, me super powers, or me vampira at procedural crime related series. try mo tong mga series na to na medyo malapit sa realidad. meron tapos na pero astig pa rin at meron pa ring ongoing or naka season break.


1) Prison Break - isa sa mga pinaka astig na series. Kung di mo pa nabalitaan to sang kweba ka galing or baka nakulong ka (hehe). ang istorya structural engineer sya itatakas nya sa kulungan kuya nya. 

2) Chuck - average techie guy sa isang electronic store. nagkaron ng super computer sa utak involve cia at nsa. me mga geeks. puno ng comedy at action. me hot chick spy.

3) Big Bang Theory - mga nerds. nakakatawang mga scenes at dialogue. me hot chick neighbour.

4) Las Vegas - casino security/surveillance team. hot chicks cast.

5) White Collar - con artist ginawang "consultant" ng FBI para manghuli ng ibang con artists

6) Leverage - grupo ng con artists na me kanya kanyang speciality piniling gamitin ang "talents" nila para tumulong sa mga inaapi at bawian ang mga gahaman.

7) Californication - writer na me writer's block. ok na storya at dialogue na nakakatawa. about sa family, relationships, etc. me mga scenes na di pwede pambata, sobrang daming hot chicks.

Iphone 4

Mas manipis. mas stylish, mas maganda display, me camera sa harap, me flash.

Thursday, June 10, 2010

Mga Sports na Dapat Pag aralan

madami sports na pwede pagpilian pero magbibigay lang ako ng ilan na dapat talaga pag aralan at me kapakinabangan sa buhay. di mo man ma master lahat, at least alam mo or mag excel ka man sa isa ok na.

1)  basketball - for sure me pa liga sa barangay, skul or company nyo. andami din basketball court sa bawat kanto ng pinas. madami din umiidolo kay jordan, kobe bryant, lebron at iba pang nba star. sa pinas me pba at pbl at sa uaap/ncaa super sikat ang basketball. exciting panoorin ang basketball. ang basketball player malaki sahod. d best cguro bata palang ienrol na sa milo basketball clinic pag summer.

2) volleyball - magagamit mo to sa beach. ang pinas ay 7107 islands. high tide or low tide. saka ung mundo majority napapaligiran ng tubig so marami din beach. minsan naman cguro sa buhay mo pupunta ka sa beach. iba di ba ung dating pag astig ka sa beach volleyball.


3) billiards - eto eh larong pang tambay daw. siguro dati un pero ngaun isa to sa ok na hobby. magagamit mo naman to pag tumambay kau sa gimikan. usually me billiard table. kung gusto mo kumita pwede ka rin makipagpustahan. bakit hindi na lang dart? ano ba ung astig? me dala kang tako na para kang ninja na me nakasukbit na samurai blade or me parang maliit na makeup kit na dala?

4) chess - eto eh more on mental focus and strategy. mahahasa utak mo sa pag diskarte. so kahit mahina katawan mo kaya mo naman siguro pagalawin ung pyesa. magagamit mo din to pag nag aantay ka sa barberya at pwede ka mag miron. wag ka lang sasali dun sa nagsosolb ng chess puzzle tapos me taya. mga scammer un. bakit hindi dama? gusto mo ba maglaro na tansan or takip ng bote ang pyesa?

eto na siguro ung 4 basics na pinaka ok na setting sa pinas, me mas dating at less gastos kesa sa ibang sports.
bakit walang karate or martial arts eh magagamit mo to para pagtanggol mo sarili mo. una baka sa sobrang tapang mo dahil marunong ka martial arts naholdap ka lumaban ka, me kasama pa palang me sumpak or pen gun. eh di yari ka. pag hinoldap ka ibigay mo na lang. kung gusto mo talaga ng protection magdala ka ng baril tapos pag hinoldap ka putukan mo ung isa tatakbo na ung iba pero habulin mo at putukan din.

Wednesday, June 9, 2010

Congratulations President Elect Noynoy Aquino and VP Jojo Binay

    kaka proclaim lang kanila. It's official. Magsama sama tayong sa daang matuwid.

Monday, June 7, 2010

Emergency Fund

    Bago ka magpayaman, mag invest at kung ano ano pa raket. Isipin mo muna me emergency fund ka ba. ano ba to, eh di para sa emergency, ung mga scenario na tulad ng nawalan ka ng trabaho, me nagkasakit or me sakuna. Hindi emergency ung manganganak dahil alam mo na to 9 months bago pa man mangyari. Hindi din emergency ung bibili ka ng bagong gagdet kasi sale.
   Gano kalaki dapat emergency fund ko. - usually 3-6 months living expenses sabi sa ibang website. Ang sagot ko naman kung magkano ka comfortable, ung magkaka ron ka ng peace of mind at makakatulog ka ng mahimbing sa gabi na walang inaalala.
   San ko naman ilalagay ung emergency fund - syempre dun sa madaling makuha ang pera pag emergency like savings account or time deposit. basta kikita ng interes kahit papano. so ok siguro hatiin mo 50% sa savings account 50% sa time deposit na 3 months.
   Wag mo na ipagpaliban to. hindi mo alam kelan magkaka eemergency sa buhay.

Thursday, June 3, 2010

Pano Gumawapo or Pumogi

Kung gwapo ka na magagamit mo pa rin to para lalong gumawapo. Kung di ka naman likas na guwapo eto na siguro ung best na magagawa mo baka sakali.

1) Maligo  - gumamit ng safeguard professional clean
2) Magsipilyo - gumamit ng colgate professional clean
3) Mag cologne/pabango - ung light lang ang dating at hindi amoy tanders. wag mag axe common na to.
4) Magdamit ng maayos - di kelangan branded. basta malinis, plantsado at bagay sau. ung presentable. wag ka na magdark colors kung maitim ka na.
5) Magpagupit ng clean cut - oo cool ang long hair pero me mukhang mabaho. clean cut para malinis tingnan at mukhang mabango
6) Mag ahit - oo cool din ang me bigote.pero mas bata kang tingnan at mas malinis pag bagong ahit. kaya nga me sinasabing ahit pogi.
7) Magsuot ng relo - para on time ka parati. simpleng relo lang na metal or leather watch na bagay sa getup. wag ka mag accessories ng iba like hikaw kwintas or singsing.
8) Magsuot ng maayos na sapatos - kung leather i shine. wag naman kintab sekyu. ung tama lang. kung sneakers basta malinis tingnan. hindi ung tipong pang rocker or emo na madumi or me putik.

Office Attire on a Budget

kelangan mo ba bumili ng long sleeves, polo or pants at mga pang office etc pero limited ang budget. try mo dito sa G2000 at John Little mura at maayos naman plus nagsasale pa sila kaya mas makakamura ka. wag ka nga pala bibili ng IS MEN na pants madaling masira. kung gusto mo pa ng mas mura meron sa ibang lugar kaso olats ung quality.  

Wednesday, June 2, 2010

Earn Money Online for Free

      Subukan nyo to. Nagbabayad to. Sesendan kayo ng email. Click nyo ung link na me ads. Hintayin macredit ng ilang seconds ok na. Refer nyo din mga friends, relatives at mga iba pa kakilalapara masaya :)     

http://www.emailcashpro.com
http://www.emailcashpro.com
http://www.emailcashpro.com

Ninite - Easy PC Setup

 Para sa bago mong PC na wala pang laman kundi OS at default apps. Eto gamitin mo http://ninite.com/
 iiwan mo lang sya tapos manuod ka muna ng tv series mo or kumain ka muna. pagbalik mo ayos na pc mo.
 Kung super customized na installation gusto mo tyagain mo na lang install isa isa.

1st post

   Eto ung 1st post