Monday, June 7, 2010

Emergency Fund

    Bago ka magpayaman, mag invest at kung ano ano pa raket. Isipin mo muna me emergency fund ka ba. ano ba to, eh di para sa emergency, ung mga scenario na tulad ng nawalan ka ng trabaho, me nagkasakit or me sakuna. Hindi emergency ung manganganak dahil alam mo na to 9 months bago pa man mangyari. Hindi din emergency ung bibili ka ng bagong gagdet kasi sale.
   Gano kalaki dapat emergency fund ko. - usually 3-6 months living expenses sabi sa ibang website. Ang sagot ko naman kung magkano ka comfortable, ung magkaka ron ka ng peace of mind at makakatulog ka ng mahimbing sa gabi na walang inaalala.
   San ko naman ilalagay ung emergency fund - syempre dun sa madaling makuha ang pera pag emergency like savings account or time deposit. basta kikita ng interes kahit papano. so ok siguro hatiin mo 50% sa savings account 50% sa time deposit na 3 months.
   Wag mo na ipagpaliban to. hindi mo alam kelan magkaka eemergency sa buhay.

No comments:

Post a Comment