Thursday, June 3, 2010

Pano Gumawapo or Pumogi

Kung gwapo ka na magagamit mo pa rin to para lalong gumawapo. Kung di ka naman likas na guwapo eto na siguro ung best na magagawa mo baka sakali.

1) Maligo  - gumamit ng safeguard professional clean
2) Magsipilyo - gumamit ng colgate professional clean
3) Mag cologne/pabango - ung light lang ang dating at hindi amoy tanders. wag mag axe common na to.
4) Magdamit ng maayos - di kelangan branded. basta malinis, plantsado at bagay sau. ung presentable. wag ka na magdark colors kung maitim ka na.
5) Magpagupit ng clean cut - oo cool ang long hair pero me mukhang mabaho. clean cut para malinis tingnan at mukhang mabango
6) Mag ahit - oo cool din ang me bigote.pero mas bata kang tingnan at mas malinis pag bagong ahit. kaya nga me sinasabing ahit pogi.
7) Magsuot ng relo - para on time ka parati. simpleng relo lang na metal or leather watch na bagay sa getup. wag ka mag accessories ng iba like hikaw kwintas or singsing.
8) Magsuot ng maayos na sapatos - kung leather i shine. wag naman kintab sekyu. ung tama lang. kung sneakers basta malinis tingnan. hindi ung tipong pang rocker or emo na madumi or me putik.

2 comments:

  1. 9) Wag kalimutang mag-shave, para ahit-pogi.

    ReplyDelete
  2. Sa app na to marami kayong makukuhang tips at pwede pa kayo manalo ng nike GCs! :)


    http://www.facebook.com/MasterPhilippines?sk=app_208195102528120

    ReplyDelete