Thursday, June 10, 2010

Mga Sports na Dapat Pag aralan

madami sports na pwede pagpilian pero magbibigay lang ako ng ilan na dapat talaga pag aralan at me kapakinabangan sa buhay. di mo man ma master lahat, at least alam mo or mag excel ka man sa isa ok na.

1)  basketball - for sure me pa liga sa barangay, skul or company nyo. andami din basketball court sa bawat kanto ng pinas. madami din umiidolo kay jordan, kobe bryant, lebron at iba pang nba star. sa pinas me pba at pbl at sa uaap/ncaa super sikat ang basketball. exciting panoorin ang basketball. ang basketball player malaki sahod. d best cguro bata palang ienrol na sa milo basketball clinic pag summer.

2) volleyball - magagamit mo to sa beach. ang pinas ay 7107 islands. high tide or low tide. saka ung mundo majority napapaligiran ng tubig so marami din beach. minsan naman cguro sa buhay mo pupunta ka sa beach. iba di ba ung dating pag astig ka sa beach volleyball.


3) billiards - eto eh larong pang tambay daw. siguro dati un pero ngaun isa to sa ok na hobby. magagamit mo naman to pag tumambay kau sa gimikan. usually me billiard table. kung gusto mo kumita pwede ka rin makipagpustahan. bakit hindi na lang dart? ano ba ung astig? me dala kang tako na para kang ninja na me nakasukbit na samurai blade or me parang maliit na makeup kit na dala?

4) chess - eto eh more on mental focus and strategy. mahahasa utak mo sa pag diskarte. so kahit mahina katawan mo kaya mo naman siguro pagalawin ung pyesa. magagamit mo din to pag nag aantay ka sa barberya at pwede ka mag miron. wag ka lang sasali dun sa nagsosolb ng chess puzzle tapos me taya. mga scammer un. bakit hindi dama? gusto mo ba maglaro na tansan or takip ng bote ang pyesa?

eto na siguro ung 4 basics na pinaka ok na setting sa pinas, me mas dating at less gastos kesa sa ibang sports.
bakit walang karate or martial arts eh magagamit mo to para pagtanggol mo sarili mo. una baka sa sobrang tapang mo dahil marunong ka martial arts naholdap ka lumaban ka, me kasama pa palang me sumpak or pen gun. eh di yari ka. pag hinoldap ka ibigay mo na lang. kung gusto mo talaga ng protection magdala ka ng baril tapos pag hinoldap ka putukan mo ung isa tatakbo na ung iba pero habulin mo at putukan din.

No comments:

Post a Comment