Saturday, June 12, 2010

Happy Independence Day Philippines

wow sarap maging malaya sa dayuhan at dahil dyan long weekend wala pasok sa monday. ano ba ok gawin sa long weekend

1) mini vacation - 2 days ang bakasyon mo na out of town. tapos ung monday para makapagpahinga ka para pasok tue. somewhere na malapit. kung taga manila ka try mo sa subic or clark. dumaan ka sa sctex para mabilis.

2) general cleaning  - linisin mo na dapat mo linisin. banyo, sala, kusina, kwarto, garahe, kotse, kulungan ng aso, aquarium, etc.

3) movie marathon or tv series - wag kalimutan ang popcorn or chichirya.

4) PC tune up - panahon na para mag uninstall, defrag, mag organize ng folders, files etc. kung gusto mo rin magformat for a fresh start.

5) food trip - pwede mag ikot sa lugar nyo or padeliver na lang kau sa bahay or magexperiment ng luto. ihanda ang diatabs or imodium.

6) chillax - humilata maghapon, makinig ng music, kumain, at matulog.

7) toma - tumoma ng sat at sun. san mig, red horse, colt45, the bar, vodka, fundador, chivas, johnnie walker, jose cuervo, el hombre tequila, etc. sisig, chicharon bulaklak, crispy pata, mani, kilawin, grilled squid, grilled bangus, andok's manok, etc, tapos monday pahinga.

1 comment:

  1. Ikawalo(eight): Mag-internet sa cafe sa labas at makipag-chat sa ka-tropa all day long. Oks ba? Mabuhay ang Pinas.

    ReplyDelete